« here it goes.. | HomePage | Undoing »
Monday, October 29, 2007
Undoing
Ginawa niya na naman. Ang nakikita ko ngayon ay madilim pa sa nakasanayan. Ang makakita, makapagtype sa harap ng pc, huminga….lahat parang ang hirap hirap gawin. Kanina tinitingnan na naman ako ng maraming tao ngunit hindi katulad ng karaniwan ko ng nararanasan…dahil ba nakashades ako ng black gayong makulimlim naman? Naisip ko, bagay pala sa akin ang magshades. Dahil hindi nila halos napansin ang mugto kong mga mata. Nakakatawa. Hanggang ngayon nga nangangatog pako. Ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko na wala ako halos maramdaman. Na miski ang sarili kong katawan hindi ko maramdaman, at para akong nakalutang sa daan habang naglalakad. Iniisip ko kung epekto lang ba ito ng shades kaya bigla akong nagkaron ng problema sa depth perception ko at ang hirap estimahin ng distansya ng bawat yapak ko. Parang katulad niya…ang hirap parin timplahin. Sa tagal na panahon na kasama ko siya… Mabait kung mabait. Ngunit kapag galit na…hindi ko na siya halos makilala. At katulad ng dati, eto na naman… naisip ko, hindi ko parin kaya. Ang hirap parin magsalita. Sa matagal na panahon…ang hirap maintindihan ka ng iba. Hindi makalabas yung totoong ikaw..hindi mo masabi o maipahayag yung gusto mo.. at kahit na ganon, siya parin naman ang inisip ko ah. Nung dali-dali akong umakyat ng kwarto at nagkulong ng sarili…ano kaya kung hindi ko binuksan yon. Ano kaya kung hindi ko na binuksan… Sa wakas, malalaman kaya nila na eto na yung panahon para ako naman yung pakinggan? Napakagandang tingnan ng maliliit na piraso ng salamin na basag… Kumikislap.. parang maliliit na bituin na gusto kong hagkan… Hindi ko alam kung ano yung nabasag. Basta ang alam ko, napakasarap pakinggan ang tunog ‘non. Pero… parati na lang ako yung mali. Nakakapagod na. Tapos ngayon, heto siya, yayakapin ako ng mahigpit at hihingi ng tawad. Ngayon, ilang oras na ang nakalipas…parang walang nangyari para sa kanila…pero para sa akin, hanggang ngayon… ang hirap parin huminga. Ang hirap parin magsalita. Hindi ako makalingon para tumingin sa iba pang bagay na nasa paligid. Hindi ako makapag-isip. At hindi ko parin maramdaman ang aking sarili… Hindi ba niya nakikita na…sa bawat pangyayari…mabababaw na mga pangyayaring katulad nito..ay unti-unti akong napapalayo sa kanya…hindi niya nalalaman kung papaano ako nababago ng mga ganitong pangyayari na kahit anong materyal na bagay ang ibigay niya bilang kapalit… hinding-hindi nito matutumbasan ang mga sugat na nagawa niya sa akin. Mga imortal na sugat na sa paglipas ng panahon ay hindi pa lubusang humihilom at napapatungan pa ng mga panibagong sugat sa aking pagkatao. Pero ang lahat ng ito’y hindi ko maramdaman. Malapit ko na tuloy pagdudahan kung…. Totoo ba ako? Dahil sa kabila ng lahat, eto parin ako…patuloy na naghahanap ng kakampi…ng taong magpapakita sa akin ng totoong halaga ko, at magpaparamdam sa akin na kahit papaano…kahit minsan…tama rin ako.
*for the record, nabawasan na naman ang lifeline ko. Heheheh., okay nailabas ko na ang sama ng loob ko. OK nako. ;)
06:49 Posted in Emotions | Permalink | Comments (1) | Email this




Comments
jxvwb5y5g6320zjd
Posted by: 29648 | Wednesday, November 12, 2008
Post a comment