Sunday, November 25, 2007

rAnD0m mUsHynEsS..

I don't need a lot for christmas
There is just one thing i need
I don't care about the presents
Underneath the christmas tree
I just want you for my own
More than you could ever know
All i want for christmas is you...


haay... ang lamig na kc, lapit na ng christmas, sarap tuloy magsenti, muni-muni lang, heheh.. pero unlike nung previous christmas, this christmas happy ako..=)

it's been 4 months narin, sa totoo lang, achievement na para saken yun. I was the type kc na madali ring magsawa..hindi ako sanay na pare-pareho na lang., yun at yun na lang.. i always seek for novelty, for something unique and exciting. Cguro it just happens that this time, mahal ko na nga talaga siya..unlike how i ever loved anyone before.. sa kanya kc, pakiramdam ko ang dami-dami ng nabago sa sarili ko. Nasanay ako before na nakukuha lagi ang gusto ko, when it comes to relationships kumbaga, "i am the captain of my ship, i am the master of my fate.." cguro kya narin hindi masydo nagwork yung mga previous relationships ko is because, i thot i have given my best shot, yun pla hindi. Ako rin yung may pagkukulang... ngayon kasi iba na..

Waiting...it is what i hate the most. I was always punctual kc, i rarely become late.. I remember before when i was to meet up with a guy sa mall, na-late lng siya ng wala pang 30 minutes, umalis na ako. And it ended up pa na siya yung super nagsosorry when i was the one who wasn't patient enough to wait. Pero this time, miski ako nagugulat rin sa sarili ko...how i manage to wait for 2 or even 3 hours for him.. pero pag naghihintay ako, parang napakabilis lang ng oras..maya-maya naman makikita ko narin sya.. and he said he managed to wait for me for 3 years...i just didn't ask him,"bakit, sa 3 years ba na yun ako lang talaga yung mahal mo?ako lang yung laman ng isip mo?" Dahil pag sinabi niyang oo, hindi na talaga ako maniniwala sa kanya..

Whenever i am with him, i know i am at peace, secured and contented. Cguro nung mga first months lang namin na i didn't totally trust him all at once...andun pa yung doubts ko sa feelings ko.. I admit, i didn't immediately fell for him. Gusto ko siya..pero during those times, i was still in love with my ex..i still miss him..i'm still longing for him to beg me to come back. Pero nung nangyari yun, I was more inlove na with my present bf.. however, may doubts din ako...sa bf ko..na baka hindi pa sya nakakaget-over talaga sa ex niya..alam ko kung gaano niya minahal yun...kahit hindi niya sabihin saken, naramdaman ko nun sa tuwing magkukwento siya saken dati nung hindi pa kmi, sa maraming beses na nababanggit niya saken yun..nakita ko kung gaano niya yun kamahal at kung gaano siya nasaktan...kaya nga dati, kapag dumarating yung point na, pinaiyak na naman ako ng ex ko, at siya yung nandiyan para makausap, at kung kelan malapit ko na siyang magustuhan...mababanggit niya uli yung ex niya...at nabubura lahat sa isipan ko lahat ng pag-asang pwede ring maging kami. At minsan pag naiisip ko yun, naiiyak na lang ako, thinking na baka i'm facing another heartache na naman and, one more pa talaga hindi ko na kakayanin.. I was never the strong one. The last time my heart was broken, my health almost gave me away.. Kaya nga cguro nung nagtapat siya saken, at inamin niyang mahal niya ko..hindi ako nagulat. Pero hindi rin ako naniwala agad. Cguro gusto niya ko, pero mahal? Masyadong mabigat yung salitang yun para gamitin ng basta-basta..Or cguro ang hirap na lang kc magtiwala.. I was born with the thinking na, i don't need men, or at least be dependent on one man to live happy.. Now, the tables have turned...i am starting to depend on him more than i thought i would.

Whenever i have a new suitor, i was fond of putting them off to a test, but all of them failed. Simpleng pagsagot lang sa tanong na,"bakit mo ko mahal? at bakit ikaw ang kailangang piliin ko?" hindi pa nila maibigay saken yung sagot na hinihingi ko. At yung isa pang test na madalas kong ginagawa, yung pinakahindi nila magawa...ang maghintay ng hindi nila alam kung ano bang standing nila saken.. madalas kc naiinip sila, meaning, hindi sila ganun kasincere. O kaya, sincere sila pero hindi naman willing maghintay. Kaya i was disappointed most of the time, hopeless na hindi ko na makikita yung right guy for me. But now, the guy that i currently love...he fits the position almost more than perfectly...(he he, the sentence was poorly constructed by the way). There's just no way that i could describe in concrete words how much he grew to become such a precious part of me.. When we kiss, i could hardly feel him, parang ang bilis bilis ng oras..and when i hug him...there's a feeling inside of me never wanting to ever let go, dahil baka pag bumitaw ako, mawala siya at hindi ko na siya makita...

Kaya ngayon, natatakot ako... takot kasi, habang tumatagal, lalo ko siyang minamahal and natatakot ako na baka may mangyari at matapos na lang bigla ang lahat. Bukod pa dun, hindi niya pako talaga kilala...marami pa siyang hindi alam..and i wonder if he would still want to spend the rest of his life with me after.. Pero... siya yung gusto kong makasamang maghintay ng sunset sa baywalk, magkahawak-kamay, sweet and still in love at the age of 70 or 80.... I always say to myself, hindi importante kung nakailang relationships ka, or how many times you've been in love...what's most important is that, there is one person, just one man, who is willing to stick it out with you until the end...yung may makakasama ka in the remaining half of your life. At sa panahong iyon, ayokong mag-isa.. Kung iisipin, almost a quarter of my life narin ang naglapse... 7 innocent years plus, 13 years in the four corners of the classroom.. and there, nothing new. After i graduate in college, hindi ko parin alam what would become of me then..

Going back, cguro i'm just the type of person who needs constant reassurance... kaya lang, when he asks me how to prove how much he loves me, actually hindi ko rin alam kung papaano..

Kahapon, nung pinapanood ko yung favorite kong Jdorama, "Long Vacation", kakaiyak grabe, heheh..patapos na kasi. Naalala ko yung sinabi ni Minami,
"Mas mabuti pa nung magkaibigan kami ni Sena.. andito si Sena nakatayo, dito naman si Minami nakatayo sa tabi ni Sena..ang saya-saya namin nun. Pero kapag hinarap niyo na yung nararamdaman niyo para sa isa't-isa..ang hirap pala. Kahit yung maliliit na bagay nagiging malaking problema. At hindi maiiwasang may isang masasaktan.."

tama, may point si Minami. Pero mas may point yung bestfriend niya nung sinabi nya kay Minami na,
"Kaya lumalaki ang maliliit na bagay, at nagsisimula na kayong magselos at mag-away, dahil mahal niyo nga ang isa't-isa. Gusto niyong gawin parati ang tama na kahit na maliliit na bagay lang napapansin niyo na at sinisigurong nasa ayos ang lahat. Dahil importante ang tingin mo sa kanya, at ganun din siya sayo. At ayaw niyong masaktan ang isa't-isa. Pero minsan hindi naiiwasan talaga.."

..at ang cute niya pa habang sinasabi yun, haha! Ang cute talaga ng mga hapon..kahit Jdorama, nagmumukang anime. =p

Anyway, ang point ko lang is..kung minsan nagiging ang babaw pala ng tao, paranoid at sobrang sensitive kapag nasa isang relationship.. dahil may isa ka pang taong kinoconsider parati..dahil ngayon hindi ka na lang nagdedesisyon para sa sarili mo, dahil may isang taong posibleng masaktan o maapektuhan sa kung anumang gagawin mo. Sabi ni Shinji kay Ryouko,
"Hindi ako naniniwalang kailangan mong i-give up ang isang bagay na nagpapaligaya sayo para sa taong mahal mo."
Pero sabi nga ni Sena,
"Kung mahal mo ang isang bagay, gagawin mo lahat para hindi siya mawala sayo..kahit mahirapan ka..kahit nasasaktan ka na. Hinding-hindi ka aalis sa tabi niya. Ipaglalaban mo parin siya."

..ang sweet ni Sena!! Hahaha!! La lang, grabe kung saan-saan na nauwi itong post na 'to. Heheh, cge nood muna ulit ako "Long Vacation". Final episode na ngayon. buh-bye!

 

                                

05:00 Posted in Emotions | Permalink | Comments (2) | Email this

Sunday, November 04, 2007

Looking back…

Shux, habang tumatagal nararamdaman kong tumatanda na nga ako… waahhhh, twenty na ako! Pag may nakikipagkilala saken na guy at sasabihing 21 or 22 sila…naiisip ko, “yoko mas matanda saken,” feeling ko naman 18 lang ako! Wahaha!! Anyway, ifufulfill ko parin ang balak naming ni ellie…to grow old gracefully and beautifully hahah! Cheers! Ever since talaga idol ko si cory quirino., who would have guessed what her exact age is? Miski aq hindi ko mahulaan, hihihi..;p

Nweiz, gaya nga ng title ng post na ito…cge “looking back”…. (grabe lakas ng loob ko nu, ngaun pako nagganito kung kelan tambak ang papers ko…wahahaha obsessive-compulsive talaga ako. Hindi ako makapagmove on o makapag-isip hangga’t hindi ko nafufulfill ang compulsion ko…at ngaun nga, ang maipost sa blog ko ang mga pangyayari nung…err…bata pa ako? Yuck! Hahahah!)

Elem days…

Bata pa lang ako achiever nako…pero di dahil gusto ko…napilitan lang, hahaha hanggang sa magtuloy-tuloy na… kung pwede lang ibenta ang mga medals at certificates…yabang! Heheh, pero totoo…aanhin ko ba yung mga un ngaun? Naaalala ko first contest yata na napanaluhan ko yung 2nd placer ako sa division level ng poster-making contest, nung grade3 heheh.. sayang din kasi sinabi mismo ng mga judges na ako dapat ang first, mas magaling daw kasi ako magdefend as compared dun sa nagfirst, kulang lang yung ginawa ko. Ang theme kc nun “Noon at Ngayon” eh malay ko bang kelangan ding lagyan ng “Bukas” or future yun. Hahaha! Sayang umabot sana ng regional level! Hahah,, asa!

Nung elem ko nakilala ang first bestfriend ko. Though hindi ko nga masyado naenjoy at nafeel ang pagkakaron ng bestfriend dahil magkakumpetensya rin kami sa first honor ever since. Super tight kami nun grade 1 pa lang na miski mga naging puppy loves naming eh bestfriends din. Hahah! Weird pero…sa maniwala kayo o sa hindi, yun ang first bf ko. Hahaha! Syempre hindi seryoso. Ano bang alam ko sa love nun. Parang mga bata na..”uy crush ko sya..” eh nagkataong crush namin ang isa’t-isa..eh di yun! Hahah! Wag ka nagsusulatan pa kami nun kahit nung nagtransfer nako ng ibang school nung grade2. Natigil lang yun nung nagbigay siya saken ng letter one time na may kasamang singsing…nakita ng mama ko. Lagot! Ngayon nga nakakasabay ko sya paminsan-minsan sa bus…walang pansinan. Hiya ako eh.=p ewan ko if naaalala niya pako. =)

Hehehe..at kasabay nga ng pagtransfer ko ay nagtransfer din ang bestfriend ko sa parehong school. Ang reason namin…takot sa terror na teacher. Haha! Pero empre nalungkot ako nung nagtransfer uli sya ng school nung grade3 at yun tuluyan na talaga kaming naghiwalay…

Nakakainis lang yung mga classmates kong lalaki nun kc lagi nila akong pinagtritripan, lagi nila akong pinapaiyak…pero wag ka, ako parin binibigyan nila parati ng flowers kapag valentines, kahit mga gumamela at santan lang yun. Hahaha! Hmpf, tapos nililigawan nila ko nun?? Hmpf.hmpf. Yung isa pa naaalala ko, napakapersistent,, mula kinder ata hanggang grade 6 crush niya ko na mismong nanay niya kinakausap ang mama ko tungkol samen. Hahahah!! Naalala ko pa nung 1 time, dalawang classmate kong guy ang sumunod saken pauwi para malaman kung san ako nakatira, nalaman ni papa, ayun todo sermon sila sa school kinabukasan. Hahaha! Mahigpit talaga si papa ever since.

Tuwing United Nations…hmpf, lagi akong nagtatago nun kaso wala eh, no choice, ako parin lagi nilang ninonominate na muse kaya ang nangyayari,,,ako lagi sa Mr. and Ms. UN… bad trip talaga. Pero once lang ako nanalo ng Miss UN, naalala ko New York ata ako nun., yung mga sumunod runner-ups na lang. Kaw ba namang hindi pagsawaan ng tao, taon-taon na lang? hahaha!

Bibo talaga ako nung elem eh..lahat ng contests sinasalihan ko. Declamation, oration, quiz bees, journalism,… ako ang class president parati, ako parin ang president ng SBO namin nun at editor in chief ng “D Builders” ung school organ namin, scout leader ng GSP… puro responsibilities kaya hindi ko talaga masyado naenjoy kabataan ko nun. (yuck feeling ang tanda na). Tapos tuwing may performance sa school, andali-dali nila kong mahatak para tumula, kumanta o sumayaw. Hahaha, naaalala ko may dance group pa kami nun. (-_-)

Ayun, nakagraduate naman…millennium batch pa..at valedictorian. Maraming naiinis ata saken nun kc karamihan ng teachers namin favorite ako. Pero okay lang, hindi ko na lang sila pinapansin. Pero wag ka, kami-kami rin magkakalaro palagi sa piko, Chinese garter at kung anu-ano pa. Hahahah!!

Nakakamiss…… pero ayoko ng balikan yung mga bad memories..yung mga bullying days…

Haay…skul…

Ewan ko ba kung bakit, kung gaano ako kabibo nung elem eh ganun ako ka-shy type at “maria clara” DAW nung hayskul. Enjoy ako nung high school, super. Mga tropa ko nga nun, tropa ko parin hanggang ngaun… syempre..first love (na hindi niya nalaman hahah) Bry! Peace! Heheheh. High school ko tinuloy ang lyre ko..nung elem kc majorette ako. Mas gugustuhin ko namang tumugtog kesa kumembot-kembot ng may maiksing palda nu!! Dito ko rin pinagpatuloy ang badminton…though hindi nako sumasali masyado ng contests unlike before. Grabe nagregress talaga social skills ko! Hahahah!! Kahit madalas ako tinutukso ni tonix na crush ng bayan daw ako nung hayskul…dko tlg na-feel yun as in. Hindi kc ako socialite eh. Nung tinanong nga ko ng CS ko sa Ward 5 na… “tga-CNHS din ako. Kami ang first batch ng Limestone dun. Kilala mko?” naisip ko….shux, madi-DM ba ko dahil dko sya nakilala nun? Wahahah!! I admit, wla tlg ko masyado nakilala nung hs, unlike nung elem na lahat ng estudyante kilala ako at ate ang tawag saken. Hehehe. Tska nung hs, ilan lang naman yung “nalaman” kong nanligaw saken ah… yung iba magugulat na lang ako sasabihing nanligaw pla sila saken?? Weird!

Basta, basta…maraming isyus nung hs pero malaking bulk tlg ng memory ko nun ay naconcentrate sa moments namin ng first love ko na first dance ko din nung JS Prom. Hahaha! Dko makakalimutan yun.

College days…

Tabula rasa. Wala eh. Haha. Nakapagpost na yata ko nung tungkol sa college dito before.. ayun!


Natatandaan ko lang, nung nag-18 ako di nako nagdebut. yuck! hahaha.. yun yung mga panaho na namulat nako sa gender sensitivity na babae ka lang kapag nakadress ka! hahaha =p

Eto na lang.. totoo nga ang saying: “kung gaano kahirap makapasok sa UP, ganun din kahirap makaalis” whahaha!!!

 

 

**Ciao! Gawa muna papers… >_<