Monday, October 26, 2009

dearest blog..

haay blog.. akalain mo.. sa mga ganitong panahon lang kita napapansin... hehe.. siguro naimbento nga talaga ang blog para may hingahaan ng sama ng loob ang mga taong emo... mga taong mapagpanggap.. ok narin to diba? at least isipin na lahat ng tao ang gusto nilang isipin...pero ikaw blog..ikaw lang ang tunay na nakakakilala saken..ang tunay na nakakaintindi ng nararamdaman ko.. hehe hindi ko nga alam kung may nakakabasa ba nito... well, ok narin na wala...kasi baka isipin ng mga tao sobrang loser ko na....

kanina kausap ko sya...haay...ang hirap...bumabalik na naman yung sakit ko...yung episodes ng paghyhyperventilate..sakit sakit sa dibdib...kaso hindi naman maiwasang sumama ng loob...minsan kasi mamimili ka.. ano sasaktan mo na naman ang sarili mo sa pakikipagusap sa kanya? o dedma na lang sa pride..

 

minsan hindi ko lang talaga matanggap siguro sa sarili ko na wala na... wala na talaga... paulit-ulit na naman niyang sinabi diba ann? maniwala ka na kasi. tanggapin mo na. wala ka na talagang magagawa... sumuko ka na. tanggapin mo na na ngayon wala ka na talagang puwang sa puso niya at kahit kailan, kahit ano pang gawin mo hindi na ulit magkakaron..isang katotohanang hindi mo na mababago.. hindi sa lahat ng panahon panalo ka.. hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha mo yung gusto mo..

 

sana matapos na lahat.... sana makalimutan ko narin sya.... sana makaalis nako agad.. siguro sa ibang lugar, mas madali ako makakapagpatuloy sa buhay.....

05:58 Posted in Emotions | Permalink | Comments (1) | Email this

Comments

where are you going? to America?

Posted by: Gabriel Aranzamendez | Monday, October 26, 2009

Post a comment