Monday, October 26, 2009
dearest blog..
haay blog.. akalain mo.. sa mga ganitong panahon lang kita napapansin... hehe.. siguro naimbento nga talaga ang blog para may hingahaan ng sama ng loob ang mga taong emo... mga taong mapagpanggap.. ok narin to diba? at least isipin na lahat ng tao ang gusto nilang isipin...pero ikaw blog..ikaw lang ang tunay na nakakakilala saken..ang tunay na nakakaintindi ng nararamdaman ko.. hehe hindi ko nga alam kung may nakakabasa ba nito... well, ok narin na wala...kasi baka isipin ng mga tao sobrang loser ko na....
kanina kausap ko sya...haay...ang hirap...bumabalik na naman yung sakit ko...yung episodes ng paghyhyperventilate..sakit sakit sa dibdib...kaso hindi naman maiwasang sumama ng loob...minsan kasi mamimili ka.. ano sasaktan mo na naman ang sarili mo sa pakikipagusap sa kanya? o dedma na lang sa pride..
minsan hindi ko lang talaga matanggap siguro sa sarili ko na wala na... wala na talaga... paulit-ulit na naman niyang sinabi diba ann? maniwala ka na kasi. tanggapin mo na. wala ka na talagang magagawa... sumuko ka na. tanggapin mo na na ngayon wala ka na talagang puwang sa puso niya at kahit kailan, kahit ano pang gawin mo hindi na ulit magkakaron..isang katotohanang hindi mo na mababago.. hindi sa lahat ng panahon panalo ka.. hindi sa lahat ng pagkakataon makukuha mo yung gusto mo..
sana matapos na lahat.... sana makalimutan ko narin sya.... sana makaalis nako agad.. siguro sa ibang lugar, mas madali ako makakapagpatuloy sa buhay.....
05:58 Posted in Emotions | Permalink | Comments (1) | Email this
Friday, October 23, 2009
dear blog
ito ang unang beses, in almost 2 months na nakatulog ako ng maaga..at ng hindi umiiyak.. it was quite unusual actually.. pero mas magaan ang pakiramdam ko ngaun.. sobrang dami ng nangyari... mga pagbabago sa buhay ko na nakakaoverwhelmed talaga...pero ngayon maganda ang gising ko.. dahil nakatulog ako kagabi...dahil sya ang huling kausap ko bago ako natulog...nakakapanibago.. pero nakakamiss din.. alam mong kausap mo yung taong pinakaimportante sa buhay mo pero alam mong sadyang hindi na maibabalik ang lahat sa dati.. parang napakatagal na panahon na ang lumipas..simula nung nakasama mo sya..nahahawakan ang mga kamay niya..at nayayakap at nahahalikan sya... hindi ko na maalala kung anong pakiramdam ng hawak niya..ng higpit ng yakap niya... gusto kong matandaan...ayokong makalimutan....
haay anne... isa kang malaking tanga.. ang tanga tanga mo talaga....
bakit mo hinayaang mangyari ang lahat ng ito? bakit mo hinayaan syang mawala? bukas imimeet ko yung photographers ko para sa shoot ko sa sunday...sa saturday naman may aattendang go-see for an event.. kahit na busy ako sa work at sa shoots or rakets..bakit ganun...may panahon parin ako para isipin sya... at alam mo na kahit gaano kasaya o kaperpekto na ang buhay mo ngayon.. nasa iyo na lahat ng hinihiling mo o pinapangarap mo.. parang may kulang parin.. hindi ka parin masaya.. kasi alam mong yung taong dahilan kung bakit ginagawa mo ang lahat ng ito..ung nagbibigay ng saysay o katuturan sa lahat ng ginagawa mo ay wala na.. hindi mo na kasama.. at malaking bahagi nito ay kasalanan mo.. naisip ko nga.. gagawin ko na lang ang lahat para ayusin ang buhay ko..tuparin ang mga pangarap ko..tapusin ang mga planong hindi natapos, o hindi pa nasisimulan.. unti-unting magmove on sa buhay..siguro darating din ung panahon na mas gagaan din ang lahat... at makakalimutan ko rin sya.. malay mo sa susunod na magkita kami, mas magiging madali na ang tumawa at kausapin sya.. guso ko pagdating ng panahon na yon maging proud sya saken... gusto ko maging crush niya ko ulet...ung taong hinangaan niya sa pagiging simple at maprinsipyo sa buhay.. o kung hindi man nya ko maging crush ulet, at least hindi nmn niya ikahiya na minsan nya akong minahal.. mahal na mahal ko sya..sobra.. sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman to...ung sinasabi nila na nagmamahal ng walang kasiguraduhan..o hinihintay na kapalit.. kahit alam kong nawala na yung love nia para saken.. at darating ung time na may makikilala sya na magbibigay sa kanya ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya...masakit..oo..pero magiging masaya ko makita ko lang sya na masaya.. dahil alam kong nabago ko sya..nasira ko yung pagkatao nya dahil sa nagawa ko sa kanya...at ako ang pinakaunang taong magiging masaya pag nakita ko uli yung dating masayahin, malambing at pinakamabait na sya...
ngayon nakakausap ko sya..hindi ko maiwasang mangulila.. ngayon ko naiintindihan yung tunay na kahulugan ng katagang "so near yet so far"... ngayon na hanggang picture ko na lang sya nakikita.. at gabi-gabi paulit-ulit kong binabasa yung huling sulat nya saken na halos masaulo ko na dahil ginawa ko nang bedtime story..hehe.. at tanging yung stuff toy na lang na bigay nya saken yung nayayakap ko parati at iniimagine na sya...hindi ko alam kung mas payat o mas mataba na sya ron.. haays..ang sakit...sobrang sakit parin.. pero kasalanan kong lahat ng ito...iniisip ko na lang na.. i deserve everything that happened..dahil naging tanga ako...
kanina bago ko umuwi galing work, pinag-iisipan ko kung bibili ako ng polvoron...favorite kc ni papa un naisip kong uwian sya..pero naisip ko rin, bawal yun sa kanya..dahil high-blood sya at diabetic..pero gustong-gusto niya un eh.... kung minsan bakit kc kelangan pang magdesisyon ng tao..kelangan pa mamili kung yung bagay ba na tama..o yung bagay na nagpapasaya sayo..
haay ewan.. basta ngayon gusto ko magpakamiserable..heheh... after nito, hopefully..mejo ok nako.
13:54 Posted in Emotions | Permalink | Comments (0) | Email this
Tuesday, October 20, 2009
My last blog entry about him….
5 years.. ..3 years that you waited.. ..2 years that we’ve been together.. It’s October 20, 2009 today… it’s supposed to be our 27th monthsary that we will celebrate together…. I hated myself. I hate myself until now… I always wanted more…not realizing that I once had the best… only to realize it all now that he already left…and now, a great part of myself was missing, and I’m afraid that I would just never be whole again…. I miss him.. I still love him.. I have always loved him. It has always been him. There was no one really. How could he know? He never listened to me. And he never listens now.. There were a lot of things that came…and grew…between us that set us apart. Things we had no power or control over. I just miss the person who made me believe in the real me.. the person who I first turn to when I want to cry… the person who I vowed to be with for the rest of my life.. I know he is happier now with someone else… he doesn’t have to tell me that.. and I can’t bear to see that… I would have fought for him… I would have done everything to set things right.. I would have done everything for my parents to really like him and fall in love with him… I would have done it all…. But what’s the use of trying when he no longer wants me…when he no longer believes in me…when every word he says now stabs me to death.. I know.. I made him that way. He was indifferent because of me. I’m letting him go.. even if I don’t really want to.. even if it means crying my heart out every night…spending all those sleepless nights watching nonsense dvd films.. or drinking and smoking.. nothing was ever worth it. I love you albert.. I always will…even if it means setting you free.. I’m giving you up..if it’s what makes you happy. .even if it means having me out of the picture.. Remember when I once told you that I’ll only leave you if I ever hear it straight from you that you no longer love me? Well… you said it last night… on our supposed to be 27th “love day”…so I guess.. goodbye…
02:46 Posted in Emotions | Permalink | Comments (0) | Email this




